Research
PAGGAMIT NG JOURNAL SA PAGPAPAUNLAD NG KASANAYAN SA PAGSULAT NG MGA MAG-AARAL SA FILIPINO
- Item sets
- College of Education
- Title
- PAGGAMIT NG JOURNAL SA PAGPAPAUNLAD NG KASANAYAN SA PAGSULAT NG MGA MAG-AARAL SA FILIPINO
- Author(s)
- ASHLEY MAE R. SALVADOR
- Affiliation
- MISAMIS UNIVERSITY
- Degree Program
- Bachelor of Secondary Education (BSEd) – Filipino
- Contributor
- DABALOS, LEIZEL JOY C. - Adviser
- BALUYOS, GENELYN R. - Instructor
- CENTINO, LOVELIE B. - Panel
- TUASTOMBAN, JOENARD L. - Panel
- Year
- 2025
- Abstract
- Ang pag-aaral na ito ay nagsuri sa epekto ng paggamit ng journal writing sa kasanayan sa pagsulat ng sampung Filipino major na mag-aaral ng College of Education sa Misamis University. Gumamit ito ng pre-eksperimental na disenyo kung saan isinagawa ang pre-test at post-test gamit ang rubrik sa pagtataya ng journal entries. Lumabas sa resulta na mula sa antas na Di-Gaanong Mahusay bago ang interbensyon, umangat ang mga mag-aaral sa antas na Napakahusay pagkatapos gamitin ang journal. Naitala rin ang makabuluhang pagbabago sa kanilang pagganap (p-value = 0.000). Ipinapakita ng pag-aaral na ang journal writing ay epektibong estratehiya sa pagpapabuti ng kasanayan sa pagsulat, pagkamalikhain, kritikal na pag-iisip, at kumpiyansa ng mga mag-aaral. Inirerekomenda ang pagsasama nito sa kurikulum at ang pagsasagawa ng karagdagang pag-aaral na may mas malaking bilang ng mga kalahok.
- Keywords
- Filipino Major, Journal Writing, Kasanayan sa Pagsulat, Interbensyon, Teacher Education Institution