Research
MGA SALIK SA PAARALAN AT AKADEMIKONG PAGGANAP NG MGA MAG-AARAL SA FILIPINO
- Item sets
- College of Education
- Title
-
MGA SALIK SA PAARALAN AT AKADEMIKONG PAGGANAP NG MGA MAG-AARAL SA FILIPINO
- Author(s)
-
HAZEL B. DELA CRUZ
-
MICHELLE T. TAÑECA
- Affiliation
- MISAMIS UNIVERSITY
- Degree Program
- Bachelor of Secondary Education (BSEd) – Filipino
- Contributor
- TUASTOMBAN, JOENARD L. - Adviser
- DABALOS, LEIZEL JOY C. - Instructor
- CLARIN, ANALYN S. - Panel
- Year
- 2024
- Abstract
-
Ang akademikong pagganap ay isang mahalagang sukatan ng tagumpay sa paaralan at isang indikasyon ng kahandaan sa hinaharap ng mga mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay tumutukoy sa mga salik sa paaralan at akademikong pagganap ng mga mag-aaral sa Filipino sa Misamis University. Ang disenyong ginamit sa kwantitatibong pag-aaral ay descriptive correlational. Ang mga respondente sa pag-aaral na ito ay ang 170 na mga mag-aaral sa ikapitong baitang hanggang ika-sampung baitang ng Junior High School na pinili sa pamamagitan ng stratified random sampling. Gumamit ang mananaliksik ng limang puntong likert-scale questionnaire bilang instrumento sa pagtitipon ng mga datos. Natuklasan sa pananaliksik na ito na may makabuluhang kaugnayan ang mga salik sa paaralan at akademikong pagganap ng mga mag-aaral. Ang mga salik sa paaralan tulad ng guro, mag-aaral at ang kapaligiran ng silid-aralan ay nakaaapekto sa mga mag-aaral. Inirerekomenda ng pag-aaral na gumamit ang mga guro ng makabagong pamamaraan at palawakin ang kasanayan sa pagtuturo, gayundin ay lumikha ng isang positibong kapaligiran upang maging mas makabuluhan ang talakayan sa Filipino.
- Keywords
-
akademikong pagganap, interes, kasanayan, makabago, salik