Research
PAGGAMIT NG PEER MENTORING SA PAGPAPAHUSAY NG KASANAYAN SA PAGGAWA NG LESSON PLAN NG MGA MAG-AARAL
- Item sets
- College of Education
- Title
-
PAGGAMIT NG PEER MENTORING SA PAGPAPAHUSAY NG KASANAYAN SA PAGGAWA NG LESSON PLAN NG MGA MAG-AARAL
- Author(s)
-
ANTONETTE CLAIRE M. PULANGAS
-
HANNAH MAE C. GALLEPOSO
- Affiliation
- MISAMIS UNIVERSITY
- Degree Program
- Bachelor of Secondary Education (BSEd) – Filipino
- Contributor
- COMPO, SYDEL CAMILLE D. – Adviser
- BALUYOS, GENELYN R. - Instructor
- DABALOS, LEIZEL JOY C. - Panel
- TUASTOMBAN, JOENARD L. - Panel
- Year
- 2025
- Abstract
- Ang paggawa ng lesson plan ay isa sa mahalagang kasanayan na dapat matutunan ng mga mag-aaral na nagsasanay bilang mga guro. Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang masuri kung paano nakatutulong ang peer mentoring sa pagpapahusay ng kasanayan ng mga mag-aaral sa paggawa ng lesson plan. Ang disenyong ginamit sa kwantitatibong pag-aaral ay quasi-experimental. Sa tulong ng labingdalawang (12) mag-aaral mula sa kursong BSED Filipino ng Misamis University, isinagawa ang pre-test at post-test gamit ang rubric na tumutukoy sa layunin, nilalaman, estratehiya, at pagtataya ng aralin. Gamit ang purposive sampling bilang teknik sa pagpili ng kalahok, pinili ang mga mag-aaral na may mababang marka sa nakaraang pagsusulit sa lesson planning upang higit na masukat ang epekto ng interbensyong peer mentoring. Ginamit ang mean, standard deviation, at t-test upang tukuyin kung may makabuluhang pagkakaiba sa kasanayan ng mga mag-aaral bago at pagkatapos ng mentoring. Lumabas sa descriptive statistics na mababa ang tiwala at kasanayan ng mga kalahok sa paggawa ng lesson plan sa pre-test. Ngunit matapos ang implementasyon ng peer mentoring, malinaw na tumaas ang antas ng kanilang kakayahan. Sa pamamagitan ng paired sample t-test, napatunayan na may estadistikong makabuluhang pagtaas sa kanilang post-test scores, na nagpapakita ng positibong epekto ng peer mentoring. Batay sa pagsusuri, napatunayan na may makabuluhang pagbabago sa kanilang kasanayan.
- Keywords
-
Filipino, interbensyon, kasanayan, lesson plan, peer mentoring