Research
EPEKTO NG INOBATIBONG KASANAYAN NG GURO SA MOTIBASYON AT AKADEMIKONG PAKIKILAHOK NG MGA MAG-AARAL
- Item sets
- College of Education
- Title
- EPEKTO NG INOBATIBONG KASANAYAN NG GURO SA MOTIBASYON AT AKADEMIKONG PAKIKILAHOK NG MGA MAG-AARAL
- Author(s)
-
MARY EVERLI O. PASCUA
-
LAILA LORAINE D. TUBA
- Affiliation
- MISAMIS UNIVERSITY
- Degree Program
- Bachelor of Secondary Education (BSEd) – Filipino
- Contributor
- DABALOS, LEIZEL JOY C. - Adviser
- BALUYOS, GENELYN R. - Instructor
- TUASTOMBAN, JOENARD L. - Panel
- COMPO, SYDEL CAMILLE D. - Panel
- Year
- 2025
- Abstract
-
Ang pananaliksik na ito ay may pagtatalakay tungkol sa impluwensiya ng inobatibong kasanayan ng mga guro sa paaralan sa pagtuturo ng asignaturang Filipino sa motibasyon at akademikong pakikilahok ng mga mag-aaral ng Senior High School. Ang layunin nito ay matukoy kung paano ang paggamit ng makabagong estratehiya, teknolohiya, at malikhaing pamamaraan ng pagtuturo ay nakaaapekto sa interes, pagsisikap, at aktibong partisipasyon ng mga estudyante. Gumamit ang mga mananaliksik ng deskriptibong korelasyonal na disenyo sa pamamagitan ng talatanungan upang makakalap ng datos mula sa 207 na mag-aaral. Ipinakita ng resulta na mataas ang antas ng inobatibong kasanayan ng mga guro at positibo ang kaugnayan nito sa motibasyon ng mga mag-aaral. Gayunpaman, lumilitaw na limitado ang ugnayan ng mga kasanayang ito sa ilang aspeto ng akademikong pakikilahok gaya ng aktibong partisipasyon sa klase at extracurricular participation. Inirerekomenda ang mas masinsinang pagsasanay sa mga guro, paggamit ng lokal na konteksto, at pagpapalawak ng interaktibong gawain upang higit pang mapaigting ang epekto ng mga inobatibong estratehiya sa pagtuturo.
- Keywords
-
akademikong pakikilahok, Filipino, inobatibong kasanayan, motibasyon, teknolohiya sa pagtuturo