Research
PAGGAMIT NG PODCAST BILANG ESTRATEHIYA SA PAGPAPAHUSAY NG KASANAYAN SA PAGSASALITA NG MGA MAG-AARAL SA FILIPINO
- Item sets
- College of Education
- Title
-
PAGGAMIT NG PODCAST BILANG ESTRATEHIYA SA PAGPAPAHUSAY NG KASANAYAN SA PAGSASALITA NG MGA MAG-AARAL SA FILIPINO
- Author(s)
-
JORJELYN L. ONGCO
-
NESLIE C. DUHAYLUNGSOD
- Affiliation
- MISAMIS UNIVERSITY
- Degree Program
- Bachelor of Secondary Education (BSEd) – Filipino
- Contributor
- DABALOS, LEIZEL JOY C. - Adviser
- BALUYOS, GENELYN R. - Instructor
-
TUASTOMBAN, JOENARD L. - Panel
- EDULLANTES, JOCIE ROSE T. - Panel
- Year
- 2025
- Abstract
-
Ang pagsasalita ay isang kasanayang kailangang linangin ng tao upang epektibong makipagkomunikasyon sa iba. Layunin ng pag-aaral na ito na suriin ang bisa ng podcast bilang estratehiya sa pagpapahusay ng kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-aaral sa Filipino. Gumamit ito ng one-group pretest-posttest design na nilahukan ng 12 mag-aaral ng Bachelor of Secondary Education major in Filipino mula sa Kolehiyo ng Edukasyon ng Misamis University, na napili sa pamamagitan ng purposive sampling. Ang podcast ay tumalakay sa panitikang Bikol, at ang parehong katanungan mula rito ang ginamit sa pretest at posttest. Sinuri ang datos gamit ang mean, standard deviation, at paired t-test. Ipinakita sa resulta na bago ang paggamit ng podcast, ang antas ng kasanayan sa pagsasalita ng mga kalahok ay nasa kategoryang “Di Mahusay.” Pagkatapos ng paggamit ng podcast, tumaas ito sa kategoryang “Mahusay.” Lubos na may kabuluhang kaibahan ang naging resulta lalo na sa kalinawan, gramatika, bokabularyo, pagsunod sa estruktura, pagpapahayag ng ideya, at kakayahang makipagtalastasan. Ipinapakita ng pananaliksik na ang podcast ay epektibong estratehiya sa pagpapahusay ng kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-aaral sa Filipino.
- Keywords
- Filipino, kasanayan, estratehiya sa pagtuturo, interbensiyon, kasanayan, pagsasalita, podcast