Research
PAGGAMIT NG INTERAKTIBONG ESTRATEHIYA NG GURO SA PAGPAPATAAS NG ANTAS NG PAGKATUTO AT GAWI NG MGA MAG –AARAL SA FILIPINO
- Item sets
- College of Education
- Title
-
PAGGAMIT NG INTERAKTIBONG ESTRATEHIYA NG GURO SA PAGPAPATAAS NG ANTAS NG PAGKATUTO AT GAWI
NG MGA MAG –AARAL SA FILIPINO
- Author(s)
-
ETHEL A. BALAGTAS
-
NICE IVY I. TAGAAN
- Affiliation
- MISAMIS UNIVERSITY
- Degree Program
- Bachelor of Secondary Education (BSEd) – Filipino
- Contributor
-
DABALOS, LEIZEL JOY C. - Adviser
- BALUYOS, GENELYN R. - Instructor
- TUASTOMBAN, JOENARD L. - Panel
- Year
- 2025
- Abstract
-
Ang paggamit ng interaktibong estratehiya ng guro sa pagpapataas ng antas ng pagkatuto at paghubog ng gawi ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino sa Misamis University. Ang disenyo ng pananaliksik ay kwantitatibo at ginamitan ng descriptive-correlational na lapit. Ang mga kalahok ay binubuo ng 200 mag-aaral sa ika labing-isang baitang ng Senior High School na napili sa pamamagitan ng stratified random sampling. Gumamit ang mga mananaliksik ng limang-puntong Likert scale na talatanungan bilang instrumento sa pangangalap ng datos. Ipinakita sa resulta ng pag-aaral na ang paggamit ng interaktibong estratehiya ng guro ay may makabuluhang epekto sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Natuklasan din na ang gawi sa pag-aaral ng mga mag-aaral ay nagsisilbing tagapamagitan (mediator) sa ugnayan ng estratehiya ng guro at ng antas ng pagkatuto. Ipinapakita ng mga datos na mas mataas ang motibasyon, partisipasyon, at interes ng mga mag-aaral kapag gumagamit ang guro ng makabago at interaktibong pamamaraan sa pagtuturo. Inirerekomenda ng pag-aaral na higit pang gamitin ng mga guro ang mga makabago at interaktibong estratehiya upang mapaunlad ang kasanayan, pag-unawa, at akademikong pagganap ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino.
- Keywords
-
Filipino, gawi sa pag-aaral interaktibong estratehiya, pagkatuto