Research
PANANAW NG MGA MAG-AARAL SA MAHALAGANG AMBAG NG WIKANG FILIPINO SA PAMBANSANG IDENTIDAD
- Item sets
- College of Education
- Title
-
PANANAW NG MGA MAG-AARAL SA MAHALAGANG AMBAG NG
WIKANG FILIPINO SA PAMBANSANG IDENTIDAD
- Author(s)
-
MADDELEN R. ALJO
- CHERLYN MAE P. BENITEZ
- Affiliation
- MISAMIS UNIVERSITY
- Degree Program
- Bachelor of Secondary Education (BSEd) – Filipino
- Contributor
-
DABALOS, LEIZEL JOY C. - Adviser
- BALUYOS, GENELYN R. - Instructor
-
TUASTOMBAN, JOENARD L. - Panel
- ADORNA, CHLOE R. - Panel
- Year
- 2024
- Abstract
-
Ang wikang Filipino ay hindi lamang isang wika, ito ay isang simbolo ng pagkakakilanlan, pagkakaisa sa bayan. Ang pag-aaral na ito’y mahalaga sa mga pananaw ng mga mag-aaral sa mahalagang ambag ng wikang Filipino sa pambansang identidad. Ang disenyong ginamit sa kwantitatibong pag-aaral ay descriptive correlational. Ang mga respondente sa pag-aaral na ito ay ang 180 na mga mag-aaral sa ikapitong baitang hanggang ikasampung baitang ng Junior High School na pinili sa pamamagitan ng stratified random sampling. Gumamit ang mananaliksik ng limang puntong likert-scale questionnaire bilang instrumento sa pagtitipon ng mga datos. Natuklasan sa pananaliksik na ito nasa mahusay na lebel ang mga pananaw ng mga mag-aaral sa wikang Filipino. Ang antas ng pambansang identidad ng mga mag-aaral ay nasa lebel na mahusay. May makabuluhang kaugnayan ang pananaw ng mga mag-aaral sa wikang Filipino at antas ng pambansang identidad ng mga mag-aaral. Ang kanilang pagpapahalaga sa wikang Filipino at kasaysayan ay sumasalamin sa matatag na pagkakakilanlan at pagkakaisa bilang mga Pilipino, na nagsisilbing mahalagang bagay sa pagpapatibay ng pambansang kamalayan at sa patuloy na pag-unlad ng lipunan. Inererekomenda ng pag-aral na ang mga guro ay hinihikayat na pagyamanin ang kamalayan ng mga mag-aaral sa pambansang identidad sa pamamagitan ng paggamit ng mga makabago at interaktibong estratehiya sa pagtuturo na nakatuon sa kasaysayan, kultura, at wikang Filipino.
- Keywords
-
pambansang identidad, wikang Filipino